RICHARD GOMEZ DISCLOSES GETTING INDECENT PROPOSAL FROM A "SUPPORTING ACTRESS" IN THE PAST

Inamin ni Richard Gomez na nakatanggap siya noon ng indecent proposal mula sa isang aktres.

Nangyari rin daw sa kanya na sabay niyang minahal ang dalawang babae.  

Ilan lamang ito sa mga naikuwento ng actor-politician sa YouTube interview ni Bea Alonzo nitong June 3, 2023.

Si Richard ay current congressman ng fourth district ng Leyte. Siya ay dating matinee idol at sumikat noong '80s at '90s.

Bukod sa pagiging sikat at mahusay na aktor, si Richard ay naging isang sex symbol din: tall, dark, and handsome.

Naranasan ba niyang makatanggap ng indecent proposals noon?

Sinagot ni Richard ang tanong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasan niya sa isang kapwa artista.

"There’s one that’s really significant na hindi ko makalimutan, taga-showbiz din, supporting actress…" simula ng aktor.

"Sabi niya, ‘Anakan mo naman ako.’" Ikinagulat daw iyon ni Richard.

"Sabi ko, ‘Ano?!’" Giit daw ng aktres, "Anakan mo naman ako."

"Bakit?" tanong daw ni Richard na natatawa habang ikinukuwento.

"Wala, anakan mo lang ako," sagot daw ng aktres.

Sundot na tanong, tumanggap ba si Richard ng isang indecent proposal?

PHOTO: YouTube (Bea Alonzo)

"Hindi pa," nangingiti niyang sagot.

Nagbigay na ba siya ng indecent proposal?

"Hindi pa," sagot niya na natatawa rin.

RICHARD ON WOMEN CHASING AFTER HIM

Sa interview, isa pang tinanong kay Richard ay kung naligawan na ba siya ng babae.

"Oo naman," mabilis niyang sagot.

Humantong daw ba ito sa relasyon?

"Oo, multiple times," sagot ni Richard. Ibig sabihin, marami siyang nakarelasyong babae na humahabol sa kanya. 

Natatawang kuwento pa ng aktor: "Cheap lang ako. Easy to get ako, e. Ganon ako nung bata ako, e. carefree. Relax lang ako."

"Parang, 'You like me? I like you.’ ‘You don’t like me? I like you.’"

Naranasan ba ni Richard na magmahal ng dalawang babae nang sabay?

"Yes. Three pa nga," sagot niya kasabay ng tawa.

Kinailangan daw ba niyang mamili?

"Isa-isang nawala," ani Richard.

Does his wife lucy get jealous?

Sa kasalukuyan, happily married si Richard kay Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Sila ay 25 years nang kasal.

Sa tagal ng pagsasama nila, inamin ng aktor na may mga pagkakataong nagselos na rin si Lucy.

"Kung talagang may pagseselosan," sabi ni Richard.

Bakas din sa mga sagot ni Richard na ayaw masyadong ipakita ni Lucy kapag siya ay nagseselos.

"Siguro [nagseselos] na hindi ko alam," nangingiting sabi ng aktor. "Sinasabi niya rin pag nabubuko."

Pero, kumpiyansang sinabi ni Richard na wala pa silang pinag-awayan ni Lucy dahil sa pagseselos sa leading lady.

Ipinaaalam daw talaga ni Richard kay Lucy ang anumang bagay pagdating sa kanyang leading ladies.

Kuwento pa ni Richard, hindi raw siya mahilig sa diskusyon kapag mayroon silang hindi pagkakaunawaan ni Lucy, na aniya'y kalmadong tao.

"Mabait iyon. Super," ani Richard ukol sa asawa.

RICHARD'S MARITAL ADVICE

Pagdating naman sa tibay ng kanilang pagsasama, sinabi ni Richard na mahalaga ang give-and-take relationship.

Importante raw sa mag-asawa na huwag sasalubungin ang init ng ulo ng isa kapag pag-aaway. 

"Hindi lang puwede ikaw lang lagi yung assertive," ani Richard.

Sabi niya pa, tumagal ang kanilang pagsasama ni Lucy dahil sa open communication.

Sabi niya, "Very open ang line of communication naming. It is very, very important."

Pangalawa raw ang pagkakaroon ng commitment sa simula pa lamang ng pagsasama.

2023-06-04T08:04:25Z dg43tfdfdgfd