RICHARD GOMEZ, AMINADONG 'EASY-TO-GET' DAW SIYA NOONG SIYA AY BINATA PA

- Naibahagi ni Richard Gomez ang kanyang pagiging 'easy-to-get' daw siya noong siya ay binata pa

- Aminado siyang may mga nanligaw sa kanya noon na babae at napasagot siya ng mga ito

- Ito ang kanyang mga naisagot sa tanong ni Bea Alonzo sa kanyang #ByBea Lie Detector

- Naipasa naman ni Richard ang challenge dahil truth ang kanyang mga naging sagot sa mga tanong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Richard Gomez na 'easy-to-get' daw siya noong siya ay binata pa. Ito ang kanyang mga naisagot sa tanong ni Bea Alonzo sa kanyang #ByBea Lie Detector.

“Oo naman,” kumpirma ni Richard nang tanungin siya ni Bea na naligawan siya ng mga babae.

Natawa lang si Richard habang kinikuwento ang tungkol dito. Ilang beses daw siyang naligawan.

"Multiple times," aniya "Cheap lang ako."

Aminado siyang easy-to-get' daw siya,

“Gano’n ako nung bata ako eh, carefree,” dagdag pa niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Walang "showbiz" sa mga sagot ni Goma. Thank you for this Ep, Bea
un interview and good flow of topics. Mga questions na hindi mo naisip itatanong natanong ni Bea and Goma is so cool about it. Natawa ako sa sinabi nya "Tatlo pa nga" so honest.
I love the interview of Richard,he's so straight forward..God Bless Bea...

Si Richard Gomez ay naihalal bilang congressman ng fourth district ng Leyte kung saan siya nanilbihan bilang isang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Kilala rin siya bilang si Goma at isa din siyang athlete, actor at director.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga nakakaaliw na cooking vlogs ni Richard na kanyang binahagi sa YouTube. Bukod sa personal na paghahanda at pagluluto, nagbababahagi din siya ng mga fun facts tungkol sa mga niluluto niya. Sa isa niyang video ay nakasama ni Richard ang anak na si Juliana Gomez at ang napapabalitang boyfriend nito. Marami ang nakapansin sa pagiging komportable at kaswal nila na makipag-usap sa naturang vlog.

Binahagi niya din ang kanyang maikli ngunit nakakaantig na mensahe sa Instagram kamakailan, Ito ay para sa kanyang asawang si Lucy Torres. Ito ay sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-24 na wedding anniversary noong April 28. Nag-post din siya ng pictures nilang magkasama. Agad na nag-viral at umani ng mga komento mula sa kanyang followers ang kanyang IG post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-06-04T13:01:55Z dg43tfdfdgfd