KIM ATIENZA, KINUKUHANG "EAT BULAGA" HOST?; PAOLO, BUBOY, BETONG, KASADO NA?

GORGY RULA:

Inilabas na ng ilang press ang mga pangalan ng mga bagong host ng Eat Bulaga! na papalit sa TVJ at mga Dabarkads na nag-resign nung nakaraang linggo.

READ: TAPE, Inc. may binubuo nang lineup ng bagong hosts para sa pagbabalik-live ng 'Eat Bulaga!'

Nakausap ng PEP Troika si Paolo Contis na isa sa mga lumabas na pangalan, pero ayaw pa niyang magbigay ng ano mang pahayag.

Hindi pa raw sila puwedeng magsalita.

Pero napag-alaman naming nagsimula na silang mag-rehearse nung Sabado, June 3, 2023.

Mukhang tuluy na tuloy na silang mag-live bukas, Lunes, June 5.

Makakasama ni Paolo sina Buboy Villar, Betong Sumaya, ang magkakapatid na Mavy at Cassy Legaspi, at si Alexa Miro.

Sa pagkakaalam namin, kinakausap si Kim Atienza na maging bahagi nito, kahit every Saturday lang siya, dahil meron siyang TiktoClock ng Lunes hanggang Biyernes.

Pero okay rin naman ang partisipasyon ni Kuya Kim kung sakali. Kasali rin daw ang promising all-girl group ng Sparkle na XOXO girls.

Pero sa pagkakaalam namin, hindi kasama ang Riel Lomadilla, miyembro ng XOXO girls, dahil regular siya sa bagong sitcom ni Bossing Vic Sotto na Open 24/7.

Hindi pa namin sure ang tungkol diyan. Definitely, malaking challenge ito sa mga bagong hosts, at maaring nakahanda na sila sa mga negatibong feedback na matatanggap nila.

Pero nagtatrabaho lang sila, kaya tingnan na lang natin itong bagong Eat Bulaga! na mapapanood natin bukas.

May ilan pang pangalan kaming naririnig na isasama, dahil kulang ito sa totoo lang.

Pero wala pang na-finalize kung kukunin na sila. May ilang dating Dabarkads na natanggal noon ang dinig naming nagpaparamdam na ibalik sila.

Pero ewan ko lang kung napagdesisyunan ng bagong management na ibalik sila sa naturang noontime show. Abangan na lang natin!

JERRY OLEA:

Totoo bang naiwan sa Eat Bulaga! at makakasama ng bagong set of hosts si Carren Eistrup, na winner ng "Bida Next" reality talent search ng show?

Sinasabing contract ito sa TAPE, Inc. at bahagi iyon ng prize niya.

Totoo rin kaya na nagpaparamdam ang isang dating magandang host ng Eat Bulaga!? Hindi lang daw mapagdesisyunan pa ng TAPE.

Tapos iyung mommy dearest ng isang kilalang actress-TV host — na galing din sa isang noontime show — inaalok daw itong anak niya?

Pero parang hindi raw type ng management dahil alam nilang may attitude ang kilalang actress-TV host sa trabaho.

May ilang Kapamilya stars daw na susubukan nilang kausapin kung puwede sila. At kukuha rin daw sila ng mga bagong mukha pero talented.

NOEL FERRER:

So Eat Bulaga! pa rin ang gagamiting pangalan talaga? We’ll see how this pans out. Wait and see tayo sa mga susunod na mga pangyayari! Sana, for the best ang mangyayari.

MORE RELATED STORIES ON #EATBULAGAWAR

2023-06-04T04:09:23Z dg43tfdfdgfd