JOEY DE LEON, NAGPAHIWATIG NA LILIPAT ANG TVJ SA TV5?

Ang Instagram post ni Joey de Leon ngayong Linggo ng umaga, June 4, 2023, ang lalong nagpatibay sa mga hinala na lilipat ang TVJ sa TV5. 

Ito ay matapos ang pagkalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) sa TAPE Inc. noong Miyerkules, May 31, 2023.

"Sabi ko noon, we are not signing off, we are just taking a day-off," bungad ni Joey.

Sabay dagdag niya, "In other words, pahinga muna. In Engish, TAKE FIVE!"

Malaman ang "TAKE FIVE" na hirit ni Joey.

Tila pahiwatig ito na totoo ang mga haka-hakang magkakaroon ang TVJ ng show sa Kapatid Network, mapa-noontime man o ibang timeslot.

WHAT TITO SAID THREE DAYS AGO

Sa ambush phone interview kay Tito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 1, itinanggi niya na pumirma na ang TVJ ng kontrata sa TV5. 

"Magdedesisyon pa lang kami kung lilipat kami ng TV5 in the next few days. We will decide today, or tomorrow… magmi-meeting muna kami.

"Kasi meron din kaming mga offers from the other stations," ang pahayag ni Tito.

May mga naniwala sa sinabi ni Tito, pero may mga nag-alinlangan sa kanyang deklarasyon.

WILL TVJ MAKE ITS COMEBACK THIS MONTH?

May mga masugid na sumusubaybay sa isyu ang buo ang paniniwala na hindi basta aalis sa TAPE ang TVJ kung walang kapalit na programang lilipatan ang tatlo.

Isang insider ang nagsabi na may mga "movement" na nagaganap sa TV5 Network tulad ng lipatan — ng mga programa sa ibang mga studio — na indikasyon umano na may bagong papasok na television show.

Pero walang kumpirmasyon kung ito na nga ang noontime project nina Tito, Vic at Joey.

Sa panayam nina Julius Babao at Tintin Bersola kay Tito, nagsalita siya na hindi puwedeng matagalan ang pagbabalik nila nina Joey at Vic sa telebisyon.

Hindi raw maaaring mawalan ng trabaho ang mga tao na sumama sa kanilang pag-alis sa TAPE. 

May haka-haka kasi na July 30 puwedeng bumalik sa ere ang TVJ dahil iyon ang 44th anniversary ng Eat Bulaga!

Sagot ni Tito: "Ay, hindi siguro. Hindi tatagal nang ganoon. Hopefully, very soon kasi ayaw naming mawalan ng trabaho yung mga production staff. 

"At saka yung mga empleyado, mga ibang crew, mga cameraman, ayaw naming mawalan ng trabaho," ang sabi ni Tito 

MORE RELATED STORIES ON #EATBULAGAWAR

2023-06-04T08:09:32Z dg43tfdfdgfd