CRISTY SA PAMAMAALAM NG TVJ SA TAPE: "INIYAKAN PO NI ALDEN RICHARDS ITONG SENARYONG ITO"

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang pagiging emosyonal umano ni Alden Richards sa pamamalam ng Tito, Vic at Joey sa TAPE Inc.

- Aniya, hindi raw inaasahan ni Alden na mauuwi sa ganito ang isyu ng magkabilang panig

- Matunog din ang umano ang pananatili ni Alden sa Eat Bulaga lalo na at ang kontrata raw nito ay sa GMA

- Gayunpaman, mapapansin sa mga post ni Alden na pawang paggalang sa Eat Bulaga ang kanyang ipinahihiwatig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! noong June 3, nabanggit ni Cristy Fermin ang reaksyon umano ni Alden Richards sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc., ang producer ng programa nilang Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na iniyakan umano ito ni Alden base sa pakikipag-usap nito kay Cristy.

"Iniyakan po ni Alden Richards itong senaryong ito. Ilang beses po kaming magkakomunikasyon at ramdam na ramdam ko po, tumatawid po sa akin ang kanyang emosyon 'nung sabihin niya na 'Nay, hindi ko po talaga akalain namangyayari ito. Hindi ko po talaga inasahan ito. Sobra pong lalim sa puso ko ang nararamdaman ko ngayon, iniyakan niya ito," ani Cirsty.

Matunog din umano ang usap-usapang mananatili si Alden sa Eat Bulaga kasama ng mga bagong magiging host nito. Ito ay dahil sa GMA ang humahawak ng career ni Alden kaya't hindi siya basta makapagdesisyon ng para sa sarili niya.

"Kontratadong artista po ng GMA7 si Alden Richards. Anuman ang gawing pagtanggi ni Alden, mamayani pa rin po ang kapangyarihan ng GMA 7 bilang network na nagpapatakbo ng kanyang karera."

Gayunpaman, mapapansin sa mga post ni Alden buhat nang lumisan ang TVJ sa TAPE na puno ng pagrespeto at pagpapahalaga sa Eat Bulaga at sa mga orihinal na hosts ng programa.

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matapos ang halos dalawang taon na wala siya sa naturang programa.

Ilang buwan na ang nakalilipas nang maging usap-usapan ang inaasahang pagbabago 'di umano sa longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 43 taon ang nakalilipas na nangyari na nga noong May 31 nang mamaalam sila sa TAPE Inc.

Sinundan agad ito ng courtesy letter na pinirmahan ng iba pang mga hosts maliban kay Alden Richards na wala sa set noong araw na iyon.

Matatandaang noong Marso 11 nang bumalik muli si Alden sa Eat Bulaga. Minsan na rin niyang naikwento kung bakit pansamantala siyang hindi napanood sa noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-06-04T11:01:50Z dg43tfdfdgfd