BONG REVILLA AT MAX COLLINS, KINABOG ANG MMFF SA PAANDAR NA PARADA

GORGY RULA:

Tinalbugan ni Senator Bong Revilla ang parada ng Metro Manila Film Festival nung Sabado, June 3, 2023. 

Tatlong lungsod ang inikot nito para ma-promote ang bagong action-comedy series sa GMA-7 na Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Magsisimula na itong ngayong 7:50 p.m. pagkatapos ng Happy ToGetHer kaya tinodo na ni Senator Bong ang pagpu-promote nito kasama ang halos buong cast ng series.

Nag-motorcade sila sa Maynila, Caloocan, at Navotas, kaya inabot na sila ng gabi. Pero sobrang in-enjoy nila dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao.

Kasama ni Sen. Bong sina Max Collins, Carmi Martin, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Bembol Roco, Jeric Raval, Nino Muhlach, ER Ejercito, Maey Bautista, Nikki Co, at Angel Leighton.

Pero wala roon ang sinasabi nilang "mystery guest" na may malaking role daw sa action-comedy series.

Nung nakaraang mediacon ay hindi pa muna nila ipinakilala kung sino itong "mystery guest." Pero malaking pangalan ito sa showbiz.

"Siya yung leader ng lahat na kalaban," sagot ni Direk Enzo Williams nang tinanong ko kung ano ang role nitong si mystery guest.

"Pero may patikim na sa kanya sa early episodes. Somewhere in the middle, may patikim na sa kanya.

"Iri-reveal na lang namin siya sa dulo. Pero everything will fall into this na ahh siya pala yun. Parang puzzle," dagdag na pahayag ng headwriter na si Jojo Nones.

Sabi naman ni Sen. Bong; "Marami pang papasok, like si Jimmy Santos, bilang isang retired na pulis.

Basta marami pang papasok Abangan niyo na lang yan."

Thankful si Sen. Bong sa suporta ng GMA-7 na talagang itinodo rin ang promo nito. Bukod sa magagandang teaser na laging pinapakita, may ads pa sa ilang radio stations.

NOEL FERRER:

Sabi pa ni Sen. Bong Revilla, itong Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay gusto raw sana nilang maiangat kahit paano ang hindi magandang imahe ng ilang kapulisan.

"Dahil basang-basa ang ibang kapulisan ngayon dahil sa problema sa droga.

"Iyun yung ating sinu-solve ngayon sa Senado. Iyun yung ating iniimbestigahan. Iyun yung ating lilinisin. Pagtulung-tulungan namin.

Sabi pa ng actor-politician: "Itong Walang Matigas na Pulis, ito ang isang way na maibangon natin sila. Para makalimutan yung mga maduduming gawain nila, at unti-unti nating maibangon ang kanilang imahe.

"Tulungan natin silang makabangon, dahil hindi naman lahat na pulis ay masama. Marami pa ring magagaling na pulis na maaasahan natin."

Pero ang isang nakakatawa pa rito ay marami naman daw sa mga pulis na takot sa kanilang misis.

Kagaya ni Tolome, ang papel na ginagampanan ni Bong, at laging tinitili ni Gloria, na ginagampanan naman ni Beauty Gonzales.

"Marami akong kilalang pulis, heneral, koronel. Kapag sumigaw na si misis, takot na si Heneral. Nanginginig na si Koronel," kuwento ni Sen. Bong.

"Totoo yan! Siguro sa mga 100 percent diyan, siguro ang mga takot sa asawa diyan mga nasa 80 porsiyento. Totoo yun! Kahit mag-research kayo."

So, from experience sa totoong buhay itong bagong sitcom na ito!!! Good luck and congratulations kay Sen, Bong at sa Team Matigas at Matinik!!!

JERRY OLEA:

Tuluy-tuloy ang pagratsada ng mga bagong Kapuso programs ngayong Hunyo!

Bukas ay nandiyan na ang rebranded Eat Bulaga! na balitang pangungunahan ni Paolo Contis, kasama ang dating taga-Tropang LOL na si Alexa Miro.

May iba pa bang taga-Tropang LOL na makakasama rito?

Ngayong Hunyo rin magpa-pilot ang Royal Blood ni Dingdong Dantes; Magandang Dilag ni Herlene Budol, aka Hipon Girl; at Luv is: Love At First Read nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Siyempre pa, abang-abang din tayo kung matutuloy na ang tambalan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Naudlot ang tambalan nila noon ni Gabby sa First Yaya, di ba? Nag-back out si Marian, at pumalit sa kanya si Sanya Lopez.

Marami pang "pasabog" ang GMA bago matapos ang taon!

For the mean time, halina’t sabayan natin si Gloria sa pagtili ng "TOLOME!!!"  sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!

2023-06-04T12:09:28Z dg43tfdfdgfd